Home HOME BANNER STORY #WalangTubig sa NCR, Hulyo 3-9

#WalangTubig sa NCR, Hulyo 3-9

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metro Manila west zone water concessionaire Maynilad ang serye ng mga water service interruption sa mga lugar na sineserbisyuhan nito mula Hulyo 3 hanggang 9.

Makakaranas ng water service interruption ang mga residente ng Caloocan simula 11 p.m. sa Hulyo 3 hanggang 4am ng Hulyo 4.  Ang mga apektadong lugar ay Barangay 136, 138, at 139.

Samantala, sa Bacoor, Imus, Caloocan, at Quezon City, inaasahan ang water service interruption sa ilang lugar simula alas-10 ng gabi sa Hulyo 4 hanggang 6 ng umaga sa Hulyo 5.

Ang mga apektadong lugar ay Aniban I, Bayanan, Dulong Bayan, Habay I, Habay II, Ligas III, Mabolo II, Mabolo III, Mambog I hanggang Mambog V, Molino I hanggang Molino III, Niog I hanggang Niog III, Panapaan I, Panapaan IV hanggang Panapaan VII, Real I, Real II, Salinas I, Salinas II, San Nicholas I hanggang San Nicholas III sa Bacoor.

Gayundin sa Caloocan City, ang mga apektadong lugar ay ang mga Barangay 174, 175, 177, at 178 habang sa Imus City, mga apektadong lugar Bayan Luma I, Bayan Luma II, Buhay Na Tubig, Bukandala III, Carsadang Bago I, Carsadang Bago II, Medicion I-B , Palico I, Palico II, Palico IV, Poblacion III-B, Poblcacion IV-B.

Sa Quezon City, ang mga apektadong lugar ay ang Bagbag, San Bartolome, at Talipapa.

Mula 11 p.m. sa Hulyo 4 hanggang 4 ng umaga ng Hulyo 5, ang Barangay 57-63 sa Caloocan City ay makakaranas din ng water interruption dahil sa network maintenance.

Nakatakda rin ang water service interruptions sa Caloocan at Valenzuela mula 10 p.m. ng Hulyo 5 hanggang 4 a.m. ng Hulyo 6 dahil sa network maintenance.

Ang mga apektadong lugar ay ang Barangay 12, 36-38, at 41-45 sa Caloocan, habang sa Valenzuela ang mga apektadong lugar ay ang Balangkas, Malanday, Wawang Pulo, at Gen T De Leon.

Gayundin sa Valenzuela mula 10 a.m. sa Hulyo 5 hanggang 6 a.m. ng Hulyo 6 ang water service interruption ay inaasahan sa mga sumusunod na lugar; Bignay, East Canumay, Lawang Bato, Lingunan, at Punturin.

Mula 11 p.m. sa Hulyo 6 hanggang 4 ng umaga sa Hulyo 7, ang mga residente ng Barangay 66, 67, 68, 71, 72, 75-80, 86, 88, 90, 92, 94-100 sa Caloocan ay makakaranas din ng pagkaantala ng serbisyo ng tubig dahil sa network maintenance.

Ang mga residente ng Caloocan lalo na ang mga residente ng Barangay 117, 118, 119, at 120 ay makakaranas din ng water service interruption simula alas-11 ng gabi sa Hulyo 7 hanggang 4 ng umaga sa Hulyo 8 habang ang Daanghari at Tangos sa Navotas ay nakatakda rin sa water service interruption simula alas-11 ng gabi ng Hulyo 8 hanggang 4 a.m. ng Hulyo 9.

Pinapaalalahanan ng Maynilad ang mga apektadong customer nito na mag-imbak ng sapat na tubig para matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa panahon ng maintenance activities. Pinapaalalahanan din nito ang mga customer nito na magsagawa ng flushing kapag naibalik na ang suplay ng tubig. RNT