Home OPINION PBBM IPINAG-UTOS ANG PANGANGALAGA SA KALIKASAN AT KAPALIGIRAN

PBBM IPINAG-UTOS ANG PANGANGALAGA SA KALIKASAN AT KAPALIGIRAN

INATASAN ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. ang DENR o ang Department of Environment and Natural Resources na makipagtulungan sa pribadong sektor para sa pagbibigay proteksyon at preserbasyon ng kalikasan, kapaligiran at mga bunga nitong likas yaman.
Ginawa ng Pangulo ang panawagan sa kanyang pagsa-salita sa selebrasyon ng Philippine Environment Month, Arbor Day, at 160th founding anni-    versary ng Philippine Forestry Service sa Quezon city.
Nagtanim si Pangulong BBM ng isang molave tree sa DENR Environmental Heroes Park.  Hinikayat niya ang mga dumalo na magtanim din ng iba pang valuable trees katulad ng Narra at Mountain Agoho na malaki   ang naitutulong para maging     silungan ng mga nanganganib nang mga hayop katulad ng  Philippine Eagle, nagbibigay  proteksyon din ito sa mga watersheds at maging sa underground fresh water.
Naniniwala ang Pangulo na kinakailangang magkaroon ng “sense of ownership and be-longing in forest reservation”       ang bawat Pilipino para bigyang halaga niya ang ekolohiya, ka-gubatan at biodiversity, kung            hindi ay patuloy lamang niya itong babalewalain.
Kaya para kay DENR secretary Antonia Loyzaga, mahalagang makuha ang suporta ng LGUs o local government units, mga nasa akademya, pribadong sektor, at iba pang stakeholders, para makamit ang target na pagtatanim ng one million ektarya ng forest areas para sa affores-tation at reforestation.
Muling binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng kagubatam sa pagkakaroon ng ecological balance, sa paglaban sa climate change, pagpapatuloy   ng buhay ilang at biodiversity.
Sa datus ng DENR, nasa 7.23 million hectares ng forest cover ang mayroon ang bansa, paglaki ng tatlong porsyento sa nakaraang limang taon.
Nananatiling may makapal na kagubatan pa ang mga lalawigan ng Palawan, Isabela at Cagayan.
Isa sa mga nakibahagi sa pagdiriwang na dinaluhan ni   Pangulong BBM ay ang NWRB o ang National Water Resources Board sa pangunguna ni Dr. Sevillo David, Jr. na executive director nito.
Sinabi ni Dr. David na ang kagubatan ang siyang nagbibigay ng “basic support” sa ating mga nilalang. Ito ang baga na naglilinis ng hangin, ang pinagmumulan ng malinis na tubig inumin, nagbibigay ng lilim at tahanan sa iba’t ibang may buhay, at pinagmumulan ng pagkain.
Ang mga kawani ng NWRB ay aktibo sa pakikibahagi sa mga tree planting activities lalo na sa mga watersheds dahil batid nito ang kahalagahan ng mga ito sa pagkakaroon ng malinis na tubig.