Home NATIONWIDE Mga mananaya, bokya sa P50M lotto jackpots

Mga mananaya, bokya sa P50M lotto jackpots

1
0

MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot prizes sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 draws nitong Huwebes, Setyembre 3, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa Super Lotto 6/49, walang nakatama sa winning combination na 15-45-13-18-08-02 para sa jackpot na P25.24 milyon.

Wala ring nakakuha ng jackpot sa Lotto 6/42 matapos walang tumama sa kombinasyong 13-14-39-30-28-32, na may premyong P25.01 milyon.

Batay sa opisyal na draw schedule ng PCSO, kabilang ang Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49 sa mga major lotto games na ginuguhit sa 9 p.m. schedule sa mga itinakdang araw.

Dahil walang jackpot winner, madaragdagan pa ang premyo sa mga susunod na draw ng dalawang lotto games. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here