Home METRO Mga militanteng grupo nagsagawa ng kilos-protesta kasabay ng Bonifacio Day

Mga militanteng grupo nagsagawa ng kilos-protesta kasabay ng Bonifacio Day

208
0

MANILA, Philippines- Nagtipon ang mga militanteng grupo sa Liwasang Bonifacio sa Manila nitong Sabado, Nobyembre 30, 2024, hindi lamang para gunitain ang ika-161 birth anniversary ng bayaning si Andres Bonifacio kundi upang magsagawa ng kilos-protesta sa mga polisiya ng pamahalaan.

Ayon sa ulat, nagtungo ang mga militanteng grupo tulad ng Migrante sa lugar nitong Sabado ng umaga.

Nagmartsa ang mga grupo papunta sa Mendiola, malapit sa MalacaƱang Palace, upang isagawa ang kanilang Bonifacio Day protest activities. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here