Home HOME BANNER STORY LPG price hike bubungad sa Disyembre – Petron

LPG price hike bubungad sa Disyembre – Petron

MANILA, Philippines- Asahan na ng consumers ang pagtaas ng presyo ng  liquefied petroleum gas (LPG) sa panahon ng Kapaskuhan.

 Sa abiso nitong Sabado, inanunsyo ng Petron Corporation na itataas nito ang presyo ng LPG ng P1.20 per kilogram.

Katumbas ito ng dagdag na P13.20 sa presyo ng tipikal na 11-kilogram LPG cylinder.

Iiral ang price hike ng Petron sa Disyembre 1, 2024 ng alas-12:01 ng madaling araw.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of December,” pahayag ng fuel retailer. RNT/SA