LUCENA CITY- Suspendido ang sea travel sa lalawigan ng Quezon province simula noong Biyernes, Nobyembre 30 dahil sa masamang kondisyon ng dagat, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ipinalabas ng PCG ang suspension order nitong Biyernes ng hapon batay sa state weather bureau forecast kung saan inaasahang makaaapekto ang strong gale-force winds sa eastern seaboard ng Southern Luzon, kasama ang northern at eastern coast ng Polillo Islands, ang northern coast ng Panukulan, Burdeos island towns, eastern coast ng Patnanungan, at Jomalig island municipalities sa Quezon.
Nangangahulugan itong lahat ng biyahe ng mga vessel na may 250 gross tonnages o mas mababa na dumaraan sa rutang saklaw ng mga nabanggit na lugar ng northern Quezon ay suspendido.
Muling ipinalabas ang suspension order nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 30, sa isang post bandang alas-6 ng umaga sa Facebook page ng Coast Guard Station–Northern Quezon.
Muling kakalusin ang suspension order at magpapatuloy ang sea travel para sa small sea craft kapag gumanda na ang panahon, base sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ayon sa PCG. RNT/SA