MANILA, Philippines – Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pamahalaan na labanan ang disinformation tungkol sa energy situation sa bansa.
“The situation in the Middle East is a serious matter and any attempt to exploit it to trigger unwarranted panic among our kababayan must be addressed and dealt with. We will not allow this,” saad sa pahyag ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.
“Hahabulin natin at kakasuhan kung sino man ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyong,” dagdag pa.
Sakop dito ang mga report na nagtatangkang ilayo ang publiko sa tunay na sitwasyon sa suplay ng langis at economic impact na makapagdudulot ng panic.
Inatasan na ang PNP Anti-Cybercrime group na palakasin ang surveillance ng social media pages at accounts na ginagamit sa disinformation drives.
Ginagamit na rin ng local police units ang kanilang social media accounts para labanan ang fake news.
Ani Nartatez, isasampa ang kriminal na reklamo sa mga indibidwal na mapatutunayang nagpapakalat ng maling impormasyon.
Nitong Linggo, nagbabala sa publiko ang Presidential Communications Office (PCO) na iwasan ang pagpapakalat ng fake news tungkol sa energy security, supply o pricing.
“Any attempt to mislead the public about energy security, supply, or pricing to sow confusion will be treated as a serious offense,” sinabi ni PCO acting Secretary Dave Gomez earlier.
Ipinunto niya na ang paglalathala ng maling balita ay magdudulot ng anim na buwang pagkakulong sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code.
Kung online naman ay doble ang parusa nito sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.
Tutulong din ang Department of Justice (DOJ) sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga indibidwal na magpapakalat ng fake news tungkol sa energy security. RNT/JGC