Home HOME BANNER STORY Mga nasawi sa lindol sa Cebu, 76 na – NDRRMC

Mga nasawi sa lindol sa Cebu, 76 na – NDRRMC

297
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes na nakapagtala ng 76 na nasawi sa nangyaring magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30.

Sa pinakahuling ulat ng sitwasyon, sinabi ng NDRRMC na lahat ng mga nasawi, na patuloy pa ring sinusuri, ay mula sa Rehiyon 7 (Central Visayas).

Naapektuhan din ng lindol ang 216,962 pamilya o 748,025 katao na naninirahan sa 260 barangay sa Central Visayas, ayon sa NDRRMC.

Sinabi rin ng disaster response agency na 126,932 bahay ang nasira habang 7,295 ang nawasak dahil sa lindol.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang “on-land extension ng bagong pinangalanang Bogo Bay Fault” ang nagdulot ng lindol sa Cebu noong Setyembre 30. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here