Home NATIONWIDE Mga nasawing PDL inalayan ng misa ng BuCor

Mga nasawing PDL inalayan ng misa ng BuCor

MANILA, Philippines- Nag-alay ng misa ang Bureau of Corrections (Bucor) sa persons deprived of liberty (PDL) na namatay habang isinisilbi ang kanilang sentensya.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., inatasan niya ang mga superintendent ng lahat ng mga penal farms na maglagay ng bulaklak para sa mga namayapang PDL.

“To symbolize unity and solidarity in remembering those who have passed away while in detention.”

Bahagi ito ng pakikiramay at pagalang sa mga inmate na nasawi habang nasa pangangalaga ng Bucor.

Kabilang sa direktiba ng BuCor chief ang pagsisindi ng kandila sa idinaos na misa lalo na para sa 20 yumaong PDL na hindi na kinuha ng mga kaanak ang kanilang mga labi.

“Nakakaawa naman dahil may 20 PDLs na pinalibing natin kamakailan sa NBP Cemetery ang hindi na madadalaw ng kanilang pamilya kaya inatasan natin si NBP Superintendent, Chief Inspector, Roger Boncales na magtirik ng kandila sa puntod ng bawat isa sa kanila,“ ani Catapang.

Sa rekord ng Bucor, may kabuuang 384 na bangkay ang nakalibing sa NBP Cemetery mula 2022 kabilang ang mga labi ng 20 PDL na inilibing nitong October 24. Teresa Tavares