PANGASINAN- Kamatayan ang sinapit ng isang 47-anyos na misis nang ayaw nitong sumamang umuwi matapos sunduin ng kanyang mister sa bayan ng Urbiztondo ng lalawigang kahapon.
Ayon sa mga awtoridad, ang mag-asawa ay parehong residente ng Basista, Pangasinan.
Matapos na uminom ng alak, pinakiusapan nito ang isa niyang pamangkin na isakay siya papuntang Uribiztondo para sunduin ang kanyang misis na nagbibilad ng palay kasama umano ang hinihinalang lalaki nito.
Nang makarating ang suspek sa naturang lugar, pilit niyang kinumbinsi ang kanyang misis na umuwi na ng bahay nila ngunit tumanggi ito.
Dahil dito, nagalit ang suspek at saka sunod-sunod nitong pinagsasaksak ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek ngunit agad din nahuli sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad.
Ang biktima ay isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso