MANILA, Philippines – Apat na barangay sa Maynila ang personal na binisita ni Senator Bong Go sa loob ng isang araw nitong Lunes, Hulyo 7 upang mamahagi ng tulong sa mga nasunugan.
Kabilang sa mga nasunugan ang barangay 420, 448, 439 sa Sampaloc, Maynila at Barangay 581.
Sa kanyang mensahe sa mga ahensya ng gobyerno, binigyang diin ng senador ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na matutuluyan at pangangailangan ng mga nasusunugan kaya naman naghain ito ng sampung panukalang batas kabilang ang Disaster Resillience Bill na lilikha ng maayos at mas epektibonh sistema para sa paghahanda sa sakuna.
Kasama rito ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience (DDR), Strengthening Coordination and Response, Proactive Preparedness, Preventing Disaster Fragmentation, Integration of Services, Supporting the NDRRMC, Responding to Worsening Disasters, Protecting the Poor, Current Status, Challenges, at Support.
Nakikiusap din ang senador sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na unahin ang pagtatayo ng mga evacuation centers hindi ang mga proyekto na hindi naman napapakinabangan ng mamamayan.
Nang tanungin ang senador kung hindi ba napapagod sa pagbisita at pag-iikot sa mga nasunugan: “Ito ang panahon ng pagtulong at hindi panahon lamang sa kampanya nagpapakita kundi sa lahat ng oras na pangangailangan ng tao,” anang senador.
Ang Department of Disaster Resilience Bill ay ang Top 10 bill na prayoridad ni Sen. Go na nai-file sa unang araw ng 20th Congress.
Pinuri rin ni Go si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa mabilis na pagtugon sa mga nasunugan.
“Maraming salamat kay Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza, magtulungan tayo para sa ating mga kababayan,” saad pa ng senador at sinabing ang kanyang tanggapan ay bukas sa sinumang nangangailangan ng tulong.
Bukod dito, tinalakay niya ang mga hakbang ng gobyerno upang suportahan ang mga displaced families, kabilang ang validation process para sa emergency housing assistance program. Jocelyn Tabangcura-Domenden