Home NATIONWIDE P20K idaragdag sa sahod ng public school teacher kada buwan – Gatchalian

P20K idaragdag sa sahod ng public school teacher kada buwan – Gatchalian

340
0

MANILA, Philippines – Sakaling maipasa ang panukala ni Senador Sherwin Gatchalian, madadagagan ng P20,000 ang kasalukuyang sahod ng lahat ng public school teacher kada buwan bilang pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo sa pagpapaunlad ng kamalayan ng kabataan.

Sa pahayag, muling inihain ni Gatchalian bilang priority bills ang ng mga hakbang upang isulong ang kapakanan ng mga guro sa bansa, na tinatawag niyang “sandigan ng tagumpay ng bawat mag-aaral.”

Sa kanyang hangaring iangat ang estado ng propesyon ng pagtuturo, patuloy na itinutulak ni Gatchalian ang Teacher Salary Increase Act. Layon nitong dagdagan ng ₱20,000 kada buwan ang sahod ng bawat pampublikong guro sa buong bansa.

“Bigyan natin ng nararapat na dangal ang ating mga guro sa pamamagitan ng makabuluhang pagtaas ng kanilang sweldo, upang mamuhay silang marangal bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa propesyon,” ani Gatchalian.

Muli rin niyang inihain ang Revised Magna Carta for Public School Teachers, na naglalayong amyendahan ang Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670). Layon ng panukalang ito na tiyaking protektado ang mga karapatan at kapakanan ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Noong nakaraang linggo, naghain si Gatchalian ng panukalang batas na nag-aamyenda ng Philippine Teachers Professionalization Act of 1994. Layong paigtingin nito ang mga pamantayang propesyonal at palawakin ang hanay ng mga kwalipikadong guro.

“Ang guro ang puso ng pagkatuto ng bawat mag-aaral,” pagtatapos ni Gatchalian. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here