Home HOME BANNER STORY Mga opisyal ng Kalayaan LGU bawal na pumunta sa mainland China, Hong...

Mga opisyal ng Kalayaan LGU bawal na pumunta sa mainland China, Hong Kong at Macau

206
0

MANILA, Philippines – Idineklarang persona non grata ng China ang mga lokal na opisyal ng munisipalidad ng Kalayaan sa pagpasok sa China, kabilang ang Hong Kong at Macau.

Ito ay kasunod ng pagdeklara rin ng bayan ng Kalayaan kay Chinese Ambassador Jing Quan na persona non grata at pinagbawalan ang diplomat na tumapak sa Kalayaan Islands.

Sa pahayag nitong Martes, Pebrero 10, sinabi ni Chinese Embassy in the Philippines spokesperson Ji Lingpeng na ang hakbang ay “based on the principle of reciprocity,” matapos ideklara si Jing na persona non grata sa Kalayaan.

“The so-called ‘Kalayaan Municipality’ council of the Philippines adopted resolutions in 2023 and 2026 declaring the Chinese ambassador to be a persona non grata’ in the municipality,” ani Ji.

“Based on the principle of reciprocity, the individuals involved in fabricating the said resolutions are not welcome to enter China (including Hong Kong and Macao).”

Narito ang mga indibidwal na pinagbawalang makapasok sa China, kabilang ang Hong Kong at Macau:

Mayor Beltzasar S. Alindogan
Vice Mayor Maurice Phillip Alexis S. Albayda
Councilor Nonelon B. Balbontin
Councilor Nonie C. Gapuz
Councilor Roberto M. Asiado
Councilor Hubert B. Llavan
Councilor Francis P. Polizon
Councilor Marilou S. Vales
Councilor Monico A. Abogado
Councilor Eugenio B. Bito-onon
Hermoso A. Ornopia
Tracylie Shierjun R. Malabayabas
Arzel E. Belidan
Vicencio R. Milan
Allan D. Dellosa
Mary Cristina J. Lagrosa

Noong 2023, idineklara rin ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan ang dating envoy ng China na si Huang Xilian bilang persona non grata.

Sinabi ni Jing Quan na agad siyang aalis sa bansa “with immense pride and honor” kung siya rin ay idedeklarang persona non grata sa buong bansa kasunod ng paghahain ng Senate Resolution 256, na kumukondena sa pahayag ng Chinese Embassy sa mga opisyal ng bansa na bumabatikos sa Beijing. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here