Home NATIONWIDE Mga paalala sa mga deboto para sa Pista ng Nazareno, alamin!

Mga paalala sa mga deboto para sa Pista ng Nazareno, alamin!

236
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala at nagbigay ng ilang gabay ang pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene sa mga deboto at mananampalataya na magtutungo sa Quiapo sa araw ng Kapistahan mula Enero 8 hanggang Enero 9.

Para sa mga dadalo ng Banal na Misa at nais makapasok sa loob ng simbahan, pinayuhan ang mga deboto na dumaan mula sa Plaza Lacson patungong Carlos Palanca St., papasok ng Villalobos St., hanggang makarating sa Plaza Miranda at sa simbahan.

Para naman sa mga manggagaling sa Kanluran at Hilaga, maaaring tahakin mula Rizal Avenue at patungo sa kahabaan ng Carriedo St., hanggang sa Plaza San Juan Bautista lamang ang mga deboto.

Maaaring tahakin ng mga deboto na manggagaling sa Norte o Quezon City mula Quezon Blvd., patungong Quinta Market, papasok ng Villalobos St., hanggang makarating sa Plaza Miranda o simbahan sa bahagi ng Quezon Blvd.

Ang labasan o exit ay ang mga sumusunod na kalsada:
Ang tanging daanan palabas para sa mga dumalo na nasa Carriedo at San Juan Bautista ay ang Evangelista, Palma St., Plateria St., Padre Gomez St., Sales St., at Estero Cegado, kung saan lahat ay patungong C.M. Recto Ave. at Rizal Avenue.

Maaaring manatili ang mga deboto na hindi nakakapasok sa mga ilalagay na LED sa mga lokasyon ng Carriedo St., Carlos Palanca St., Quezon Blvd. cor. P. Paterno St., Quezon Blvd. cor. Gonzalo Puyat (Raon), at Quezon Blvd. sa ilalim ng footbridge.

Mayroon ding ilalagay na LED sa gilid ng simbahan sa Quezon Blvd., Plaza Miranda, Plaza San Juan Bautista, at sa Mercury Drug Store.

Nakiusap din ang Nazareno organizers sa lahat ng deboto na panatilihing maluwag ang mga itatalang emergency lane upang makatugon ng mabilis ang mga rescuer, partikular sa ilang bahagi ng southbound at northbound ng Quezon Blvd., gayundin sa Quezon Bridge. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here