Home NATIONWIDE Mga paaralang #WalangPasok sa Peb. 25 dumarami sa kabila ng atas ng...

Mga paaralang #WalangPasok sa Peb. 25 dumarami sa kabila ng atas ng Malakanyang

MANILA, Philippines — Maraming paaralan ang nagkansela ng klase sa Pebrero 25, 2025, upang gunitain ang ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, sa kabila ng deklarasyon ng Malacañang na ito ay isang espesyal na araw ng trabaho.

Ayon sa ilang institusyon, mahalagang panatilihin ang diwa ng EDSA uprising, habang ang iba naman ay nais bigyang-daan ang mga mag-aaral na makilahok sa mga aktibidad ng paggunita.

Kabilang sa mga paaralang nagsuspinde ng klase ay ang De La Salle Philippines (lahat ng 16 na paaralan), University of Santo Tomas, UP Cebu, General de Jesus College, Holy Child Catholic School, at Imus Institute. Kasama rin ang mga EDSOR schools tulad ng La Salle Green Hills, Saint Pedro Poveda College, Xavier School, at Immaculate Conception Academy.

Samantala, inanunsyo ni University of the Philippines President Angelo Jimenez na magpapatupad ang UP ng alternative learning sa Pebrero 25, kung saan ang mga chancellor ang magpapasya sa kani-kanilang campus.

Ayon naman kay UP Los Baños Chancellor Jose Camacho Jr., lilipat sa online asynchronous mode ang lahat ng klase sa UPLB sa naturang araw. RNT