Manila, Philippines – Labintatlong lehislasyon na ang nabuo ng Quad Comm sa patuloy na pagdinig na isinasagawa kaugnay sa operasyon ng ilegal na Philippine Offshore and Gaming Operators (POGO), extra-judicial killing at ang ilegal na droga sa bansa.
Binigyang-diin ni Surigao Rep. Ace Barbers, chairperson ng Quad Comm na kabilang sa ngayon ay ikinokonsidera ng komite ang pagsusulong ng pagbabalik ng death penalty ngunit sa ilang krimen lamang.
Sa kanyang opening statement ay tahasang sinabi ni Barbers na, “Naging urong sulong po tayo sa usaping death penalty noong mga nakalipas na panahon. Tingnan nyo ang nangyari. Sumama po lalo ang naging lagay ng ating kapayapaan at kaayusan. Hindi na takot ang mga kriminal. Lantaran ang ginawang pamamaslang na ngayon ay tinawag nating Extra-Judicial Killings. Mismong ating mga kapulisan ang ginamit na pamatay tao.”
Isusulong din ng komite ang mga pagrepaso at pag-amyenda sa mga sumusunod na batas:
Cybercrime Law dahil sa paglaganap ng ilegal na sugal at investment scams;
Amend Republic Act No. 9160, as amended by RA 10365 o Anti-Money Laundering;
Amend Republic Act No. 11232 – Revised Corporation Code of the Philippines
Amend RA 7160 o Local Government Code of 1991;
Amend law on birth registration to ensure that only Filipino citizens are registered and issued certificates of live birth;
Amend the Land Registration Act to ensure that only legitimate corporations and Filipinos citizens may own lands;
Amend the Civil Registry Law
Amend RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
Amend RA 6981 o Witness Protection Act
Review Department of Foreign Affairs in issuing visas to foreigners
Amend Republic Act 11983 or the New Passport Act
Repeal EO 13 (series of 2017), EO 175 at RA 11590 na nagsasaligal sa operasyon ng POGO ng mga dayuhan sa bansa.