Home METRO Mga parak na hinagisan ng 2 granada sa Maguindanao del Sur ligtasMETRONATIONWIDETOP STORIES Mga parak na hinagisan ng 2 granada sa Maguindanao del Sur ligtasJanuary 2, 2025 17:34 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines- Ligtas ang ilang mga pulis matapos hagisan ng dalawang granada sa Pagalungan, Maguindanao del Sur.Base sa ulat nitong Huwebes, nahagip umano ang isang sasakyan sa lugar sa pagsabog ng isa sa mga inihagis na granada, dahilan upang masira ito.Mabuti na lamang at hindi sumabog ang isa pang granada kaya walang nasaktang pulis.Subalit, nakatakas ang mga salaring sakay ng motorsiklo.May sinisilip nang person of interest ang mga awtoridad subalit hindi pinangalanan ang mga ito. RNT/SA