MANILA, Philippines- Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Elena Algabre bilang pinakabagong Philippine ambassador to Hungary na may concurrent jurisdiction sa Bosnia at Herzegovina, Montenegro, at Serbia.
Sa katunayan, inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga pangalan ng bagong appointees noong Disyembre 31, 2024.
Kabilang din sa bagong DFA appointees sina Marie Charlotte Tang bilang non-resident ambassador to Ethiopia at ambassador Kenya na may concurrent jurisdiction sa Congo, Malaw, Seychelles, Somalia, South Sudan, Tanzania, Uganda, Rwanda, Burundi, at Comoros.
Mainit namang tinanggap ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) si Cynthia Paulino bilang miyembro ng Board of Directors na tatayong kinatawan ng Olongapo City.
Pinangalanan ng Pangulo sina Eduardo Robles Jr. at Henry Yap bilang mga undersecretary ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Itinalaga din ni Pangulong Marcos ang ilang indibidwal sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) sa iba’t ibang kapasidad.
Samantala, itinalaga ng Pangulo si Rene Diaz bilang assistant secretary ng Department of National Defense (DND), habang nagpadala rin ng bagong appointees sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Transportation (DOTr).
Si Martin Marvin Diño ay Presidential Legislative Liaison Officer II ng Office of the President (OP) ngayon.
Mainit na tinanggap naman ng United Coconut Planters Life Assurance Corporation ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) ang tatlong bagong miyembro ng Board of Directors nito. Kris Jose