Home METRO Kennon Road madaraanan na ng light vehicles 

Kennon Road madaraanan na ng light vehicles 

MANILA, Philippines- Bukas na ang Kennon Road sa light vehicles matapos pansamantalang isara sa mga sasakyan dahil sa sunog noong Bagong Taon, ayon sa Department of Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes.

Sa isang abiso, iniulat ng DPWH-Cordillera na bukas na ang national road sa light vehicles lamang.

“As of 9 p.m. yesterday, Jan. 1, 2025, Kennon Road has been opened to traffic following the clearing of debris due to the recent fire at Camp 6, Tuba, Benguet,” anito.

Pinayuhan ang heavy vehicles na dumaan sa Marcos Highway at sa Asin-Nangalisan-San Pascual-La Union Boundary Road bilang alternatibong ruta. RNT/SA