MANILA, Philippines- Nagbabala ang toxic watchdog sa publiko laban sa pagbili ng 35 skin-lightening products na may mapanganib na antas ng mercury, na isang toxic chemical na nakaaapekto sa nervous, digestive at endocrine system.
Sa press release, sinabi ng Ecowaste Coalition ma sumailalim sa screening ang produkto gamit ang X-ray fluorescence chemical analyzer.
Natuklasan ng grupo na ang nasabing mga produkto ay may mercury na mas mataas sa 1-part-per-million (ppm) limit na ipinataw ng Association of Southeast Asian Nations Cosmetic Directve sa heavy metal contaminants.
Sa mga produktong ito, 15 ang mayroong mercury na mataas sa 10,000 ppm.
Pito sa 35 skin-lightening products ay mula China.
Kabilang dito ang BL Vterly Day & Night Cream, Feique 2 in 1 Lemon Whitening Anti-Wrinkle Face Cream Set, Feique Cucumber Whitening & Freckle-Eliminating Cream, Feique Green Tea Whitening Nourishing Anti-Freckle Set, Feique Herbal Extract Whitening Freckle Removing Cream, Feique Snail Liquid Whitening Anti-Freckle Set at Hua Shu Li Miracle Whitening & Anti-Freckle Set.
Mula naman sa Thailand ang dalawang variants ng 88 Whitening Night Cream, limang variants ng Dr. Yanhee cream, dalawang variants ng Dr. Wuttisak, Lady Gold Seaweed/Gluta Super Gluta Brightening, Meyyong Seaweeds Super Whitening, Polla Gold Super White Perfects, Pumepine Total White Underarm Cream, Q-nic Care Whitening Night Cream, Q-nic Care Underarm Whitening Cream at Snow White Armpit Whitening Underarm Cream.
Babala ng grupo, ang anumang paggamit o pagbili ng nasabing produkto na may mataas na mercury ay hindi maganda sa kalusugan at maaaring magdulot ng panganib. Jocelyn Tabangcura-Domenden