Home NATIONWIDE Mga pasabog ni Col. Acierto binubusisi ng House committee on dangerous drugs

Mga pasabog ni Col. Acierto binubusisi ng House committee on dangerous drugs

MANILA,  Philippines- Patuloy na tinitimbang at pinag-aaralan ng House Committee on Dangerous Drugs ang mga isiniwalat ni Col. Eduardo Acierto ukol sa naging kaugnayan ng isang Michael Yan sa Empire 999 Realty Corporation na nagmamay-ari sa bodega na nahulihan ng P3.6 bilyong umano’y ilegal na droga.

“The committee will not make any judgment on the narrative of Col. Acierto. We just listened to it, vet it and will weigh its value when we craft the committee report,” pahayag   ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barber, chairman ng komite.

Sa nasabing pagdinig ay unang ipinag-utos ng komite ang pag-aresto kay Yang matapos itong isailalim sa contempt dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa imbitasyon ng Kamara at pagtugon sa subpina na inisyu noong June 2, 2024.

“Since he is not present, pursuant to our rules on Section 11, if I may read, the Committee may punish any person for contempt by a vote of two-thirds of the members present. Citing the violation committed by Mr. Michael Yang under Section 11, Paragraph A, for refusing without legal excuse to obey summons and invitations, there is a motion to cite Mr. Michael Yang in contempt. The motion is duly seconded, and hearing no objection, the Committee is now citing Mr. Michael Yang in contempt,” ayon kay Barbers matapos ang mosyon ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano.

Sa ngayon, ayon kay Barbers ay mahigpit na pinag-aaralan ang ugnayan nina Yang at isa pang Chinese National na si Willie Ong sa may-ari ng Empire 999.

Ang pangalan ni Michael Yang ay lumutang noong 2017 nang ituro ito ni Acierto na umano’y sangkot sa isang illegal drug controversy.

“Should the committee find any link between and among the incorporators of these various corporations, the apt recommendations will be endorsed to the proper government agencies, through its committee report,” dagdag ni Barbers. Meliza Maluntag