MANILA, Philippines – PINALAGAN ng Malakanyang ang mga sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nananatiling malaganap pa rin ang krimen sa bansa.
Sa kalatas na ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na, “With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is no truth to his statement that crime remains rampant in the country. “
Sa katunayan, makikita sa statistics mula Philippine National Police (PNP) ang ganap na kabaligtaran. Mayroon aniyang malawakang pagbaba sa krimen sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Moreover, we have achieved stability and maintained peace and order in our country without foregoing due process nor setting aside the basic human rights of any Filipino,” ang sinabi ni Bersamin.
Idagdag pa rito, ang insidente aniya na sinasabi ni Pangulong Marcos hinggil sa drug raid sa San Miguel, Manila- ay base sa outdated information.
Sa nasabing kaso, isang suspek ang inaresto, ang dala nitong drug paraphernalia ay nakumpiska at ang kasabwat nito ay patuloy at kasalukuyang hinahabol ng mga tagapagpatupad ng batas.
Ipinapakita lamang ayon kay Bersamin na ang lahat ng ito, ang bansa ay ligtas, secure ang mas maraming pinoy at ang hinaharap ay “more assured than ever before” sa ilalim ng pamamalakad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.” Kris Jose