MANILA, Philippines- Nag-ulat ng pagtaas ng pasahero ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga daungan, terminal at kalsada pagkatapos ng Undas at mahabang weekend break sa pagdiriwang ng All Saint’s Day at All Souls’ Day.
Nitong Linggo ng hapon, nakapagtala ang PCG ng 60,709 na outbound passengers at 58,516 inbound passengers sa mga daungan sa buong bansa.
Ayon sa PCG, ang nasabing bilang ang naitala nitong Linggo mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 ng hapon.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Algier Ricafrente, maaaring tumaas ang bilang ng magsisibalik na pasahero.
Dagdag pa ng opisyal, walang untoward incidents ang naitala sa mga daungan at sa mga sasakyang pandagat.
Dagdag pa, sinabi ng PCG na 4,348 deployed Frontline personnel sa 16 PCG Districts ang nag-inspeksyon sa 537 vessels at 522 motor bancas. Jocelyn Tabangcura-Domenden