Home HOME BANNER STORY Mga pasahero sa NAIA, pinayuhang maglaan ng dagdag na oras sa biyahe...

Mga pasahero sa NAIA, pinayuhang maglaan ng dagdag na oras sa biyahe sa gitna ng ASEAN Summit

1
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ang mga pasaherong bibiyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Nobyembre 13 hanggang 18 na maghanda sa posibleng pagkaantala dahil sa pinaigting na seguridad, pansamantalang paghihigpit sa trapiko at posibleng pagbabago sa flight schedules habang ginaganap ang ASEAN Summit.

Pinayuhan ang mga biyahero na direktang tingnan sa kanilang airline ang flight status bago umalis ng bahay.

May ilang airline na ring nag-anunsyo ng kanselasyon ng mga biyahe at posibleng magkaroon pa ng karagdagang pagbabago sa mga iskedyul. Ang mga pasaherong apektado nito ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa rebooking, refund o iba pang opsyon.

Pinayuhan din ang mga pasahero na maglaan ng mas mahabang oras sa pagpunta at pag-uwi mula sa paliparan dahil maaaring maapektuhan ang mga karaniwang ruta ng mga road closure at traffic restrictions kaugnay ng seguridad sa summit.

Pinapayuhan ang mga biyahero na subaybayan ang mga abiso sa trapiko, isaalang-alang ang alternatibong ruta at sundin ang itinakdang oras ng check-in ng kanilang airline.

Hinikayat din silang regular na tingnan ang mga opisyal na abiso ng NAIA at ng kani-kanilang airline para sa pinakabagong impormasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here