Home NATIONWIDE Mga PDL sa Iwahig sasanayin maging magsasaka

Mga PDL sa Iwahig sasanayin maging magsasaka

MANILA, Philippines- Sinimulan na ang pagsasanay sa persons deprived of liberty (PDLs) na nasa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) para maging magsasaka.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapàng Jr., nasa 495 PDL ang pansamantalang inilabas ng Iwahig upang lumahok sa Reformations Initiative for Sustainable Evironment (RISE) upang makibahagi sa  food security project ng pamahalaan.

Aniya, ihahanda ng 300 PDLs mula sa medium security at 195 mula sa minimum security ang mga buto at ang lupang tataniman na dalawang ektarya na bahagi ng 501 ektaryang pag-aari ng BuCor na inilaan para sa RISE project.

Ang nabanggit na proyekto ay nakapaloob sa  Memorandum of Agreement ng Department of Justice, BuCor at Department of Agriculture na sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  

Sa ilalim ng  MOA, gagamitin ang Iwahig bilang pilot project sa pagpapatupad ng agro-tourism at agro-aguaculture sites na ipatutupad din sa iba pang penal colonies sa bansa.

Bahagi aniya ito ng paghahanda sa mga PDL sa pagbabalik sa komunidad.

Naniniwala rin si Catapang na hindi lamang suliranin ng bansa sa food sufficiency and security ang malulutas ng proyekto kundi maging ang problema sa nagkaka-edad na mga magsasaka. Teresa Tavares