Home ENTERTAINMENT Gabby, alam ang dahilan sa pag-unfollow ni KC kay Kiko at Frankie!

Gabby, alam ang dahilan sa pag-unfollow ni KC kay Kiko at Frankie!

Manila, Philippines – Kung totoo nga at hindi gimmick lang ang umano’y namamagitang rift sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, isang tao lang na malapit sa huli ang may susi ng katotohanan.

Ayon kasi kay Cristy Fermin, tanging si Gabby Concepcion lang daw ang nakakaalam ng matinding dahilan sa likod ng ginawang pag-unfollow ng anak sa stepdad nitong si Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie.

All along ay privy raw ang aktor why his daughter KC chose to unfollow Kiko and his daughter with Sharon.

It appears kasi na “strained” ang relationship ni KC sa mga ito.

Kung bakit at paano’y si Gabby lang daw ang tanging makapagsasabi.

Pero knowing Gabby raw, hindi ang tipo nito ang manghihimasok whatever is between Sharon and KC.

Kung ano’t anuman daw ay hinahayaan na lang daw ni Gabby ang mag-ina to fix the problem themselves.

Dagdag pa ni Cristy, wala raw inilayo si KC sa ugali ng kanyang ama.

Maliban na lang daw kasi kung matinding-matindi na, hangga’t maaari’y nakukuha pang magtimpi si KC.

But when pushed against the wall, asahan na raw na magpo-post ito ng mga makahulugang bagay sa social media, and it’s all up to the netizens to figure it out.

Samantala, ipinapalagay naman ng maraming netizens na ang talent manager na nakipag-ugnayan sa PEP para tahasang sabihing peke lang ang sigalot ng mag-inang Sharon at KC ay walang iba kundi si Lolit Solis.

Si Lolit ang dating namamahala sa career ni Gabby until the Manila Film Festival scam in 1994 which she confessed to have orchestrated.

Dahil alaga niya noon si Gabby, it follows na nasubaybayan ni Lolit ang paglaki ni KC at maging ang motherly traits ni Sharon.

Nilinaw kasi ng anonymous source ng PEP na kinakailangang paingayin ang respective projects nina Sharon at KC.

Sharon has an upcoming concert with Gabby bukod pa sa MMFF entry nito.

Si KC has a movie titled Asian Persuasion to promote.

Inaasahang makakatulong ang intriga sa kani-kanilang proyekto, na karaniwang galawan sa showbiz. Ronnie Carrasco III