Home NATIONWIDE Mga Pinay binalaan ng DOJ kasunod ng pagkakaaresto sa surrogate moms sa...

Mga Pinay binalaan ng DOJ kasunod ng pagkakaaresto sa surrogate moms sa Cambodia

181
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng isang senior Department of Justice (DOJ) official nitong Huwebes na dapat magsilbing babala sa mga babaeng naaakit sa malaking halaga ng pera na alok ng human traffickers ang kinahinatnan ng 13 Pilipinang nahuli dahil sa paglabag sa surrogacy ban sa Cambodia.

“(K)ung meron pa tayong ibang mga kababayan na natutukso sa ganitong posibilidad na maging surrogate mother para sa malaking halaga, na balita namin umaabot ng mga kalahating milyon ang makukuha nila, dito sana magdalawang isip na kayo. Sana ‘wag n’yo gawin ‘to dahil maaari mangyari sa inyo ang mga nangyari dito sa mga kawawang kababayan natin,” pahayag ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing.

“Pero higit sa lahat ‘wag n’yo kalimutan na may mas biktima pa dito sa sitwasyon na ‘to at ang mga biktima na’to ay ‘yung mga bata na maisisilang sa ganitong illegal surrogacy scam. Kita n’yo naman ‘di ba namomroblema tayo ngayon kung ano ang gagawin natin sa mga batang ‘to once maiuwi natin dito sa Pilipinas,” dagdag ng opisyal.

Samantala, sinabi ni Ty na natukoy na ng mga awtoridad ang ahensya na nag-recruit sa mga kababaihan batay sa impormasyon mula sa pitong biktima na napauwi na sa Pilipinas.

“Mula sa kanilang mga kwento ay may na-identify kaming isang agency, isang recruiter dito sa Pilipinas na tinututukan na natin ngayon na kriminal na imbestigasyon,” aniya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here