Home NATIONWIDE Mga Pinay kabilang sa pinakamagandang kababaihan sa Asya – sarbey

Mga Pinay kabilang sa pinakamagandang kababaihan sa Asya – sarbey

MANILA, Philippines- Lumabas sa  survey kamakailan na isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamagandang kababaihan sa Asya.

Pumwesto ang Pilipinas sa ika-apat sa “20 Countries with the Most Beautiful Women in Asia” report na ipinalabas ng financial website na Insider Monkey.

Nanguna ang South Korea sa listahan, kung saan karaniwan ang plastic surgery sa bansa, halos isa sa limang kababaihan ang sumasailalim sa beauty enhancement procedure, ayon sa report.

Kinalkula sa pag-aaral ang scores mula sa iba’t ibang sources gamit ang “consensus-driven approach” upang matukoy ang rankings, ayon sa Insider Monkey, kung saan pinakamataas ang score na 1.

Nakakuha ang Pilipinas ng score na 0.85. “The Philippines is renowned for its beautiful women, with a unique blend of Asian and Spanish features,” base sa ulat.

Narito naman ang top 20 countries na may pinakamagandang kababaihan sa Asya.

  • South Korea

  • Japan

  • Vietnam

  • Pilipinas

  • Iran

  • Malaysia

  • India

  • China

  • Singapore

  • Thailand

  • Indonesia

  • Hong Kong

  • Macau

  • Bhutan

  • Taiwan

  • Kazakhstan

  • Sri Lanka

  • Pakistan

  • Myanmar

  • Laos. RNT/SA