Home NATIONWIDE NBI aasistihan ng DICT sa paghabla sa hackers

NBI aasistihan ng DICT sa paghabla sa hackers

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Biyernes na aasistihan nito ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahain ng kaso laban sa mga indibidwal na hinihinalang nang-hack sa private at government websites.

Base sa DICT, tutulungan nito ang law enforcement agencies na hulihin ang hinihinalang cybercriminals.

“We will assist our colleagues from the NBI as their technical consultants and help them build their case against these suspected individuals,” pahayag ng DICT .

Noong Biyernes, nadakip ng NBI ang indibidwal na hinihinalang nasa likod ng pag-hack sa pages ng Armed Forces of the Philippines at ng National Security Council.

Itinuro ng suspek, na may kaugnayan sa Manila Bulletin, ang kanyang editor na si Art Samaniego na nag-utos umano sa kanya na i-hack ang mga page.

Itinanggi naman ni Samaniego ang mga alegasyon, habang sinabi ng Manila Bulletin na tumalima ito sa “laws of the land and requires its employees to be accorded their rights.” RNT/SA