Home NATIONWIDE Mga Pinoy na biktima ng illegal recruitment sa Italy aasistihan ng DFA,...

Mga Pinoy na biktima ng illegal recruitment sa Italy aasistihan ng DFA, DMW

MANILA, Philippines- Tutulungan ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga Pilipinong biktima ng umano’y fraud at illegal recruitment sa Italy file lawsuits, ayon sa Department of Foreign Affairs official. 

Sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose de Vega na nakipagkita siya sa mga biktima sa Philippine Consulate General sa Milan noong Biyernes.

Ayon sa Consul General Elmer Cato, 33 biktima ang nawalan ng halos P39 milyon sa dalawang ahensya na naka-base sa Milan at nangako ng trabaho sa Italy.

Inihayag ni De Vega na kapwa magbibigay ang DFA at ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mga abogado upang asistihan ang mga biktima.

Sa pulong, sinabi ni De Vega na maaaring matagalan bago maresolba ang mga isinampang kaso sa Milan at Manila, subalit tututukan umano ito ng konsulado.

Ani Cato, kinakapanayam din ang complainants at witnesses sa pagkalap ng supporting documents at iba pang ebidensya. Naglabas din nga abiso ang konsulado at tinalakay ang isyu sa online town halls, aniya.

Tinatalupan din ang konsulado ang ibang indibdiwal at ahensya sa Milan na maaaring nanloko sa mga Filipino sa mga transaksyon kaugnay ng work permit conversions, airline tickets, at citizenship applications.

“Although these are private transactions, the Consulate had to take a more active role in order to protect kababayan who may end up as victims if we do not step in,” pahayag ni Cato. RNT/SA