Home NATIONWIDE Panukalang junk food taxes wala pang nakukuhang suporta mula sa mga mambabatas  

Panukalang junk food taxes wala pang nakukuhang suporta mula sa mga mambabatas  

MANILA, Philippines- Wala pang suportang nakukuha ang panukala ng Department of Finance (DOF) na magpataw ng buwis sa junk food.

“Wala pang sponsor… Both chamber walang sponsor,” pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Biyernes.

Inihayag din ito ni Finance Undersecretary Karlo Adriano, at sinabing hindi pa naihahain ang panukala sa Kamara o sa Senado.

Noong Hunyo, sinabi ni Diokno na isusulong ng kanyang departamento ang panukala na magpapataw ng ₱10 kada 100 gramo  ₱10 kada 100 milliliters tax sa pre-packaged foods na kulang sa nutritional value.

Kabilang dito ang confectioneries, snacks, desserts, at frozen confectioneries, na lampas sa natukoy na thresholds ng DOH para sa fat, salt, at sugar content.

“We will just rely on those bills that are likely to be passed. I think there are some four of them, right? Like for example, single-use plastic, tuloy ‘yun. ‘Yung digital payment, lulusot ‘yun ,” aniya.

Idinagdag ni Diokno na itutulak din ng DOF ang pagpapataw ng buwis sa pagmimina dahil nakikita ito bilang “another source of growth.”

“The new companies are not willing to come in. They’re waiting for that, clarity on the direction with the mining tax,” wika niya. RNT/SA

Previous articleDagdag-bawas presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes
Next articleMga Pinoy na biktima ng illegal recruitment sa Italy aasistihan ng DFA, DMW