Home HOME BANNER STORY Dagdag-bawas presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes

Dagdag-bawas presyo sa produktong petrolyo gugulong sa Martes

MANILA, Philippines- Sinalubong ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang unang linggo ng Oktubre makaraang ipatupad ito ng mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P2 sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.50 kada litro ng kerosene habang dagdag-presyo naman na P0.40 sa kada litro ng diesel na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag-bawas presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng hatinggabi.

Ang ipapatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes