Home NATIONWIDE Fil-Ams kinilala ng White House sa pagdiriwang ng Filipino American History Month

Fil-Ams kinilala ng White House sa pagdiriwang ng Filipino American History Month

MANILA, Philippines- Pinarangalan ng White House nitong Linggo (US time) ang kontribusyon ng Filipino-Americans sa United States bilang paggunita sa taunang Filipino American History Month.

Sa post sa X (dating Twitter), sinabi ng White House na ang mga Filipino at Filipino-Americans “have helped forge the very idea of America.”

“This Filipino American History Month, the Biden-Harris Administration is proud to honor generations of Filipino Americans who have ensured our nation remains a land of hope, opportunity, and optimism,” anang White House.

Mayroong mahigit apat na milyong Filipino-Americans na naninirahan sa United States, dahilan upang kilalanin ito bilang isa sa pinakamalaking Asian-American communities doon.

Tuwing Oktubre, ginugunita ng US ang Filipino American History Month upang alalahanin ang unang naitalang presenya ng mga Pilipino sa US,  maging kontribusyon sa American community at kasaysayan. RNT/SA