Home NATIONWIDE Comelec, PAO sanib-pwersa vs vote-buying, vote-selling 

Comelec, PAO sanib-pwersa vs vote-buying, vote-selling 

MANILA, Philippines- Lumagda ang Commission on Elections (Comelec) at ang Public Attorney’s Office (PAO) nitong Lunes ng memorandum of agreement sa kooperasyon ng poll body at ng prosecutorial arm’s laban sa vote-buying at vote-selling.

Pinangunahan nina Comelec chairperson George Garcia at PAO chief Persida Acosta ang pagtinta sa kasunduan.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Garcia na kailangan ng kooperasyon upang tugunan ang “modern cancer of democracy.”

“Nangangahulugan lang na ‘di puwede na palagpasin natin ang eleksyong ito at ang mga susunod na eleksyon nang hindi natin kasama ang PAO sa paglaban lalong-lalo na sa modern cancer na ito. Yan ay para ma-empower natin ang mga kababayan na maglakas-loob na dumulog at pumunta sa Comelec upang magreklamo. Hindi lang sa pamimili kundi sa pamimigay at pagtanggap ng mga goods, ng money at promises mula sa mga candidates,” pahayag ni Garcia.

Sinabi naman ni Acosta na poprotektahan nito ang boses ng mga mamamayan at pagtitibayin ang demokrasya at rule of law sa bansa. RNT/SA