Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Taiwan binabantayan ng MECO sa nagbabadyang hagupit ni ‘Julian’

Mga Pinoy sa Taiwan binabantayan ng MECO sa nagbabadyang hagupit ni ‘Julian’

MANILA, Philippines- Mahigpit na binabantayan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Taiwan sa pagtama ng bagyong Julian na may international name na “Krathon.”

Sa pahayag nitong Martes, sinabi ni MECO Chairperson Cheloy Garafil na walang untoward incidents na kinasangkutan ng mga Pilipino sa Taiwan sa kasalukuyan dahil sa inaasahang torrential rains o mga pag-ulan at storm surge trigger panic buying at evacuation ng daan-daan sa mga mahihirap na lugar sa isla.

“The MECO continues to monitor the situation of the more than 150,000 Filipino workers and migrants as typhoon Krathon batters Taiwan,” pahayag ni Garafil.

“Filipino community organizations are advised to coordinate closely with the nearest MECO offices for any contingency needing immediate attention, and adhere to the advisories of Taiwanese authorities for their safety and welfare during the typhoon,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi ni Garafil na ang MECO kabilang ang Migrant Workers Offices sa Taipei, Taichung, at Kaohsiung ay handang tumugon sa emergency.

Inaasahang tatama ang bagyo sa Taiwan sa Miyerkules ng hapon o Huwebes ng umaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden