MULING may namatay na Filipino seamen sa Strait of Hormuz kamakailan.
Inatake ang kanilang barkong kargado ng langis ng isang missile o drone kaya nasunog at lumubog.
Dalawa silang namatay habang nakaligtas naman ang kanilang mga kasamahang Pinoy rin na 17.
Iuuwi pa lang ang bangkay ng mga nasawi habang pauwi na rin ang ibang mga biktima mula sa Oman na roon isla itinakbo makaraan ang pangyayari.
Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Han Cacdac, personal niyang inaasikaso ang kalagayang mga biktima ngunit pa rin niya pinangangalanan ang mga ito.
Kasama ng DMW ang Overseas Workers Welfare Administration sa pamimigay ng mga kinauukulang suporta o ayuda sa lahat ng mga biktima.
At salamat naman.
DELIKADONG KUMOKONTROL
Sa ngayon, ipinipilit ng United States at Iran ang kanilang eksklusibong kontrol sa lahat ng pumapasok at lumalabas sa Strait of Hormuz.
Nalilito tuloy kung sino sa dalawa ang susundin ng mga bansa at crew ng mga barko sa kanilang paglalayag.
Hinuhuli ng mga Amerikano ang mga barkong hindi sumusunod sa kanila habang ganito rin ang ginagawa ng Iran.
Itong barkong SIDR, may hindi sinunod ang US o Irankaya inatake ito at hindi pa klaro hanggang ngayon kung sino ang gumawa ng pag-atake.
MAAYOS NA EMPLOYER
Ayon kay Cacdac, maayos umanong employer ang may-ari ng tanker na Bahri o National Shipping Company of Saudi Arabia at sumusunod sa mga patakararn ng gobyernong Pinas.
‘Yun bang === sinisikap ng employer na maging ligtas ang mga crew at mga barko nila upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay at pagkasira ng mga ari-arian.
Subalit, nagaganap pa rin ang krimen.
Nauna rito, may isa pang barkong Bahri ang inatake rin sa nasabing strait.
Sa Bab el-Mandab Strait at Red Sea, dalawang barko na pag-aari pa rin ng Bahri ang inatake rin ng mga Houthi na ngayo’y kaalyado ng Iran ngunit kalaban ng Saudi Arabia at US.
PAGSUMIKAPANG GAWING LIGTAS
Kung iisipin, napakahirap tiyakin ang kaligtasan ng mga crew at barko na pumapasok sa Persian Gulf at lumalabas sa Strait of Hormuz at lumalabas din dito.
Ganito rin sa Red Sea na dumaraan din sa Bab al-Manded Strait of Hormuz.
Ito’y dahil sa magkatunggaling patakaran sa pagkontrol ng US at Iran na ngayo’y alam nating matinding naggigiyera sa gitna ng usapang tigil-putukan.
WALANG MAPAGPIPILIAN
May ilang napakahalagang salik sa kalagayan ng mga Pinoy seaman at kabilang dito ang kawalan nila ng mapagpipilian kung saan sila dapat sasakay at maglalayag at kung saan sila maghanapbuhay mismo sa loob ng bansa.
May mga banta lagi sa mga crew at barko kahit saan pero matindi talaga sa Middle East.
Sa kabila ng mga kalagayan ito, pinaiiral na lang ang lakas ng loob at “bahala na.”
Sinasabing nakikipagsapalaran ang mga Pinoy sa kanilang paghahanapbuhay dahil wala naman silang maaasahan sa mga lokal na empleyo na magsisiguro sa kanila ng maayos at may kinabukasan hanapbuhay.
Sabi nga ng maraming overseas Filipino worker, kabilang ang mga seaman, hindi bale nang mapahamak sila kaysa mabuhay o mamatay sila sa gutom at paghihirap sa loob ng Pilipinas.
Paano kaya igawan ng paraan ng gobyerno ang mga kalagayang ito ng mga seaman?






