Home NATIONWIDE Mga programa ng SK, di lang dapat puro isports -NYC Chair

Mga programa ng SK, di lang dapat puro isports -NYC Chair

281
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni National Youth Commission (NYC) Chairperson at Undersecretary Joseph Francisco Ortega na dapat gumawa ang mga lider ng Sangguniang Kabataan (SK) ng mga programang lampas sa sports para maabot ang mas maraming kabataan.

“Kaya sa ating mga sangguniang Kabatan, pag gagawa kayo ng batas, hindi lang dapat puro sports. Alam naman natin na masaya ‘yan. Pero kailangan isipin din natin, anong mga training ang pwede nating ibigay sa iba’t ibang kabataan,” saad ni Ortega.

Hinikayat niya ang paglikha ng mga programa na makikinabang kahit ang mga hindi physically abled upang makibahagi sa nation-building.

“Di naman lahat physically-able, ‘di naman lahat kayang tumakbo nang mabilis, tumalon ng mataas. Pero yung iba matatalino, magagaling sa math, magagaling sa science, magagaling sa astronomy. Baka yan ang mga next generation na papalit sa atin sa PAG-ASA, sa DOST,” aniya.

“Kailangan po natin ng mga bagong henerasyon na mas maraming may-alam, at maraming talino na maidadala sa gobyerno,” dagdag niya.

Sa International Youth Day, sinabi ni Ortega na dapat i-maximize ng SK officials ang kanilang potensyal habang nasa serbisyo publiko.

“Gusto ko lang po i-encourage ang ating kabataan lalo na sa mga SK, habang kayo ay nagpapractice pa bilang bata, bilang pre-leaders ng ating bansa, kailangan ibigay niyo lahat ng kakayanin niyo. And wag kalimutan to pay it forward,” aniya.

Sinabi ng hepe ng NYC na ang National Youth Parliament ay gaganapin sa ikaapat na quarter ng taon bilang isang “practice legislature” para sa mga batang lider na mag-draft at magsumite ng mga rekomendasyon sa gobyerno.

Aniya, ang taunang SK convention, na dati ay idinaos sa isang lokasyon, ay isasagawa na ngayon sa iba’t ibang rehiyon ng bansa para bigyang daan ang mas maraming youth leaders na makilahok. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here