Home ENTERTAINMENT Regine, di bet ang title na ‘Asia’s Songbird’!

Regine, di bet ang title na ‘Asia’s Songbird’!

3
0

Manila, Philippines – Sa isang panayam, naibahagi ni Regine Velasquez kung ano ang sikreto ng kanyang longevity at staying power sa showbiz.

Isa na raw dito ang pagiging propesyonal niya sa trabaho.

“Pag tinatanong kami ng younger generations, ‘How did you last in this industry?’

“We just showed up, seriously. Kahit anong condition namin, we never canceled. We kept showing up. Ke libre, ke may bayad, ke cheap lang ʻyung bayad, we just showed up. That’s being a professional.

“Do you know the term, ‘The show must go on?’ That’s showing up. Kahit anong condition mo: may boses, walang boses, may sakit, may namatayan, you show up. That’s owning up to when you say ‘yes’ to a job. That’s what it is. You show up because you said ‘yes@ to a commitment. You show up,” lahad niya.

Sa nasabing panayam, natutuwa naman siya sa titulo na ibinigay sa kanya ng industriya bilang Songbird na palagay naman niya ay deserved niya.

Gayunpaman, may isang bagay daw na ikinakabit sa kanya na ikinate-turnoff niya: ang bansagang Asia’s Songbird.

“I didn’t like the term ‘Asia’s Songbird’ because I didn’t know who decided on it. “Si Asia ba? Sino ba si Asia?”

“Sino bang nag-decide na Asia’s Songbird ako?”

“Basta ang alam ko, ako si Songbird,” paliwanag niya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here