Home NATIONWIDE Mga pusa, asong gala nilason sa Bacolod

Mga pusa, asong gala nilason sa Bacolod

File photo

MANILA, Philippines – Kinondena ng animal welfare group na BACH Project PH ang pinakahuling insidente ng paglason sa mga aso at pusang gala sa Barangay Mansilingan, Bacolod City.

“We’re heartbroken to share that these animals that we’ve been feeding in East Homes 5 were reportedly poisoned and their bodies were taken away by the garbage collectors,” sinabi ng grupo sa kanilang Facebook page.

Iginiit ng BACH Project PH na hindi nararapat sa mga hayop na ito ang makatanggap ng ganitong uri ng pagtrato.

Anila, pinaghirapan nilang hanapan ng mga kukupkop ang mga aso at pusa ngunit walang nais tumanggap sa mga ito.

“These poor souls had no shelter, rain or shine, they endured everything. They’d be soaked and shivering in the rain, yet they still wagged their tails when our feeders came with food,” sinabi pa.

Hinimok ng grupo ang mga residente na ipagbigay-alam sa kanila kung mayroong impormasyon sa kung sino ang lumason sa mga aso at pusa. RNT/JGC