Home NATIONWIDE Mga residente ng Eastern Samar ‘di na bibiyahe nang malayo sa serbisyong...

Mga residente ng Eastern Samar ‘di na bibiyahe nang malayo sa serbisyong pangkalusugan – PBBM

1
0

MANILA, Philippines -HINDI na kailangang bumiyahe nang malayo ng mga residente ng Eastern Samar at mga karatig-lugar upang makatanggap ng de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa muling pagbubukas ng Felipe Abrigo Memorial Hospital (FAMH) sa Guiuan.

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng Biyernes, ang bagong tayong ospital matapos itong masira ng Bagyong Yolanda noong 2013.

Mayroon itong mga makabagong pasilidad at kagamitang medikal, kabilang ang Emergency Room, Operating Rooms, mga ward, at Dental Clinic, upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga pasyente.

Dahil dito, inaasahang ganap na magbubukas ang ospital sa Oktubre 8, 2026 upang mailapit ang mas maayos at komprehensibong pangangalagang medikal sa mga mamamayan, lalo na sa mga liblib at malalayong komunidad. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here