Home NATIONWIDE Mga residente sa 2,500 barangay sa Ilocos, Cagayan, CAR ililikas sa banta...

Mga residente sa 2,500 barangay sa Ilocos, Cagayan, CAR ililikas sa banta ni #NikaPH

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at gobernadora sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ng preemptive evacuation sa mga residente ng iba’t ibang barangay bilang paghahanda sa inaasahang landfall ng Bagyong Nika.

“Ang nakalagay estimated up to 700mm darating sa lugar na yan between Monday 8 a.m until Saturday evening. With the saturation of Marce, Kristine, and Leon, basang basa na ang lupa doon ay ang possibilities ng landslide ay napakataas,” pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla.

Ang mga residente ng nasa 2,500 barangay ay mayroong 16 na oras para lumikas. Sinimulan ang evacuation nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 10.

“DENR [Department of Environment and Natural Resources] has identified the barangays most prone to landslide and floods and response should be immediate,” ani Remulla.

Dagdag pa, naghanda na rin ang mga ahensya ng pamahalaan ng kaukulang ayuda para sa mga apektado ng Bagyong Nika.

Bukod kay Nika, mayroon pang dalawa pang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw.

“The problem is that this will be a 10-day event starting Friday to Monday next week. the response scenario that we are preparing for is a 10-day event from Friday last week to Monday next week,” sinabi pa ni Remulla. RNT/JGC