MANILA, Philippines – Dapat paghandaan ng Pilipinas ang mga posibleng pagbabago sa mga polisiya sa ilalim ng termino ni US President-elect Donald Trump, sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Linggo, Nobyembre 10.
“Donald Trump is a major macroeconomic assumption, from trade to security to immigration, what he said he plans to do, some on day one of his administration, would certainly impact us,” ani Escudero.
Sa oras na isulong ni Trump ang deklarasyon niya ng mass deportations, posibleng nasa 300,000 Filipino ang maapektuhan dito.
Ipinunto ni Escudero na kakailanganin ng 10 malalaking eroplano para lamang mailabas sa Estados Unidos ang 1% ng 300,000 Filipino.
“How will his plan to erect high tariff walls affect our economy given the fact that almost $1 in every $7 of our export earnings come from our trade with the United States?” ani Escudero.
“Kung dahil sa kanya lalakas ang dolyar, ano ang epekto nito sa atin kung ang dulot nito ay ang paghina ng piso? Siguradong lolobo ang halaga ng ating foreign debt,” dagdag pa niya.
Sinabi pa ni Escudero na maaari ring makaapekto sa fiscal position ng bansa ang proposed pivot ni Trump sa diplomatic front na magpapahupa ng global tension at mga giyera sa buong mundo.
“The inconvenient truth is cheaper oil will reduce tax collections on oil upon which government spending on social programs is pegged,” sinabi pa ni Escudero.
Importante rin umanong bisitahin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa US.
“On the security front, will a second Trump administration be hawkish or dovish against China? Dapat handa tayo kung sakaling may bagong posisyon ang Washington (We should be prepared in case the position of Washington changes,” anang senador. RNT/JGC