Manila, Philippines – Gwapo pala si Bea Alonzo kapag naging lalaki.
Pero imbes na papuri ay katakut takot na pamba-bash ang inabot ng aktres sa kate post nito ng Halloween costume na ang prinoject na karakter ay si Lyle Menendez na nakulong kasama ang kapatid na si Erik, dahil sa pagpatay sa kanilang magulang sa bahay nila sa Beverly Hills California.
Caption ng aktres sa larawang post, ” Call Me Lyle.”
Nakatikim ng pamba-bash ang actress mula sa netizens dahil convicted murderer ang magkapatid na pinalabas ang kanilang kwento sa Netflix.
Kaya naman aware na aware ang mga netizens tungkol sa kanila.
Reaksyon ng netizen, napaka-insenstive raw ng aktres tungkol dito.
Reaksyon naman ng ilan, kapag daw alam na brutal ang kwento ay huwag na sana itong gayahin.
May mga nagtanggol din naman sa aktres.
Kaagad nmang dinelete ni Bea ang naturang post sa kaniyang IG na ang sabi ng iba ay malamang na na-ealize raw nito ang pagkakamali niya.
Wala pang statement ang aktres tungkol dito. Rommel Placente