Home METRO Mga residente sa mga binahang lugar sa QC, Bacoor City inilikas

Mga residente sa mga binahang lugar sa QC, Bacoor City inilikas

163
0
Larawan mula sa Facebook page ng Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Office

MANILA, Philippines- Dahil sa walang humpay na pag-ulang dulot ni Bagyong Carina, sinimulan na ng Quezon City government ang paglikas sa mga residente mula sa mga lugar na nakararanas ng baha nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 24.

Base sa city government, inumpisahan na ng QC Disaster Risk Reduction & Management Office (QCDRRMO) ang search and rescue operations nito sa Barangay Talayan. 

Itinalaga naman ang ibang tauhan ng QCRDRRMO sa iba’t ibang lugar sa lungsod upang suportahan ang mga residente na kasalukuyang apektado ng pagbaha.

 Narito ang evacuation centers na inihanda ng city government: 

  • Rosa L. Suzano Elementary School

  • Mines Elementary School

  • Odelco Elementary School

  • Dalupan Elementary School

  • San Antonio Elementary School

  • Fairview Elementary School

  • Diosdado Macapagal Elementary School

  • San Gabriel Elementary School

  • Balumbato Elementary School

  • Jose Ma. Panganiban Senior High School

  • Sta. Lucia High School 

  • Apolonio Samson High School

  • BS evacuation center

  • Scandinavian

  • Bona

  • Councilor Doc G. Headquarter

  • Quirino 2A Barangay covered court

  • Qurino 2B  Barangay covered court

  • Capitol homes covered court

  • Manggahan Fire station 

  • Bagumbayan Barangay multipurpose gym 

  • Bethel, 309 P. Tuazon

Para sa emergencies/rescue, maaaring tumawag ang mga residente sa QC Helpline 122 o QCDRRMO: 8927-5914/8928-4396/0977-0312892/0947-8859929.

Samantala, sinabi ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office na hanggang nitong alas-8:30 ng umaga, nakapagtala ng tubig-bahang aabot mula anim hanggang walong pulgada sa major thoroughfares, kabilang ang Panapaan-Aguinaldo Highway, Malumot-Aguinaldo Highway, at paligid ng SM Bacoor Rotonda, dahilan upang hindi madaanan ang mga ito sa light vehicles.

May kabuuang 478 pamilya naman o 1,803 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa 21 evacuation centers sa lungsod dahil sa pagbaha.

Patuloy na binabantayan ng local government unit (LGU) ang water levels sa mga dam, ilog, at tributaries. 

Inanunsyo ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang suspensyon ng klase sa lahat ng lebel sa public at private schools ngayong Hulyo 24.

Sinuspinde na rin ng Bacoor LGU ang trabaho sa gobyerno maliban sa mga departamentong nangunguna sa mahahalagang public services at disaster and emergency management. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here