MANILA, Philippines – Binulabog ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Puerto Princesa umaga ng Huwebes, Setyembre 17 na posibleng mula sa inilunsad na Long March12 rocket ng China.
Nauna nang nag-isyu ng abiso ang Philippine Space Agency sa rocket launch na nakatakda sa pagitan ng 8:25 ng umaga at 8:54 ng umaga.
Kasabay nito ay ibinabala rin ang posibleng pagbagsak ng debris mula sa rocket kabilang ang rocket boosters at payload fairings sa katubigang malapit sa lungsod.
Ang drop zone para sa debris ay nasa 25 nautical miles timog-silangan ng Puerto Princesa City at 19 nautical miles kanluran ng Tubbataha Reefs National Park.
Binalaan din ng mga awtoridad ang mga mandaragat na iwasan muna ang drop zone at huwag hawakan ang makikitang hinihinalang debris dahil posible itong nagtataglay ng mapanganib na kemikal gaya ng rocket fuel. RNT/JGC