Home OPINION MGA RESPONSABLE SA MALAKING KAPABAYAAN SA MAYNILA, PANAGUTIN

MGA RESPONSABLE SA MALAKING KAPABAYAAN SA MAYNILA, PANAGUTIN

214
0

NOONG katanghalian ng Hunyo 30, 2025, bumalik muli si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila City Hall.

Umalingasaw sa baho ang halos buong Maynila dulot ng sangkaterbang basura na hindi na hinakot ng contractor.
Masyadong malaki ang problema ukol sa basura.

Mula sa mga tambak na basura, may malaking problema rin sa mga ospital. Ilang ulat na ang nagsasabing may kakulangan ng suplay ng gamot sa mga pampublikong pagamutan ng Maynila. Paano nakarating sa ganitong kalagayan ang mga ospital? Hindi ba’t ito ang panahon na mas dapat palakasin ang health services ng lungsod? Na­kaaalarma, lalo na para sa mahihirap na umaasa sa libreng serbisyong medikal.

Lumulutang ang mas mabi­gat na paratang: may sabotahe diumano. Ayon sa ilang insider, may mga dokumentong nawala, may mga pondo umanong biglaang nilabas bago ang turn-over, at may ilang proyekto na parang sinadya talagang pabayaan para sa masamang imahe ng bagong administrasyon. Kung totoo ito, hindi ito simpleng kapabayaan— panlilinlang ito sa mamamayang Manileño. Dapat panagutin ang mga responsab­le.

Isa pa sa pinakakontrober­syal ang malalaking cash advan­ces na umano’y ginawa sa gitna ng election period. Legal ba ito? Sino ang pumirma? Saan ginamit ang pondo? Isa na naman bang halimbawa ng abuso sa kapangyarihan? Alam ng taumbayan na kapag election period, nagiging makapangyarihan ang pera. Pero kung galing ito sa kaban ng lungsod, hindi ba’t may pananagutin dapat?

Hindi basta-basta ang mga cash advance at may mga pro­sesong hindi sinunod. Kaya bi­nigyan na sila ni mayor Isko Moreno ng direktiba na magsumite ng kani-kanilang mga liquidation re­port para makita kung saan-saan ginamit ang pera.

Malinaw sa mga Manilenyo na ang pagbabalik ni mayor Isko Moreno ay hindi basta simpleng panunungkulan. Isa itong pakiki­baka laban sa mga iniwang prob­lema ng nakaraan. Pero ang tanong: Kakayanin ba niya? May sapat pa ba siyang lakas, tapang, at suporta mula sa taumbayan? O tuluyan na ba siyang lalaban hindi lang sa problema ng lungsod—kundi sa mga aninong gumagalaw sa likod ng pulitika?

Katulad ng resulta ng na­ging botohan noong nagdaang Mayo 12, 2025 elections, higit sa mayorya ang sumusuporta at naniniwala kay Mayor Isko Mo­reno.

Ang mga naibunyag nang mga katanungan ay matagal nang alam ng mga Manilenyo, ki­nukumpirma na lamang ang naging malaking kapabayaan sa lungsod ng Maynila sa nakaraang tatlong taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here