Home METRO Mga sako ng buto na nakuha sa Taal lake iginiit ng PGC...

Mga sako ng buto na nakuha sa Taal lake iginiit ng PGC na hindi “planted”

264
0

MANILA, Philippines – Hindi ‘planted’ ang mga sako na naglalaman ng hinihinalang buto ng mga nawawalang sabungeros na nakuha sa Taal Lake, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) .

Sinabi ni PCG spokepserson Captain Noemi Cayabyab na ang nagpapatuloy na diving operations para sa paghahanap ng mga nawawalang sabungeros ay isang lehitimong operasyon at bahagi ng pormal na imbestigasyon.

Ayon sa Department of Science and Techmology , Taal Lake ay sumasaklaw ng 234 square kilometers na siyam na beses na ams malaki kaysa sa lungsod ng Maynila .

Mayroon din itong lalim na 198 metro o katumbas ng 60 palapag na gusali.

Sinabi ni Cayabyab na isa sa mga hamon na kinakaharap ng mga divers ay ang pagharap sa madilim at maputik na lugar ng Taal Lake.

Naglabas ang Coast Guard ng underwater footage ng kanilang search and retrieval operation sa Taal lake para sa missing sabungeros.

Sa ngayon , nasa limang sako na ang natagpuan ng PCG kung saan dalawa ay naglalaman ng buto. Ang isa pang sako ay naglalaman ng mga sunog na buto habang ang dalawa pa ay may mga bato. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here