Home METRO Isyu sa runway ng Mactan Cebu Int’l Airport, iimbestigahan ng DOTr

Isyu sa runway ng Mactan Cebu Int’l Airport, iimbestigahan ng DOTr

297
0

MANILA, Philippines — Sinabi nitong Linggo ng Department of Transportation (DOTr) na iimbestigahan nila ang pagsasara ng runway sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) na nagresulta sa mga kanseladong flight noong Sabado.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, kailangang imbestigahan ng ahensya kung bakit natuklap ang aspalto sa runway.

Ibinahagi din niya na huling naayos ang aspalto noong 2018 at 2020, batay sa mga ulat na ipinakita sa kanya.

“It should last for years, that’s why it should not be easily damaged. We will investigate that, and we will have to look into the last repair’s quality, the repair itself, and the quality of the materials used,” pahayag ni Dizon.

Tinanong si Dizon sa laki ng pinsala, “It’s not that much but safety first when it comes to landing and taking off of airplanes. It should not be compromised” aniya.

Sinabi ng DOTr nitong Sabado na ipinagpatuloy ng airport ang normal nitong operasyon gamit ang secondary runway kaninang 6 p.m. Di-nagtagal, iniulat ng ahensya na ang pangunahing runway ay naging operational pagsapit ng 7:30 p.m.

Sa isang advisory noong Sabado, sinabi ng MCIA na “flight operations ay ipinagpatuloy, at lahat ng mga aktibidad sa paliparan ay bumalik sa normal.”

Sinabi ng Cebu Pacific na hindi bababa sa 18 sa mga naka-iskedyul na flight nito ang nakansela, habang sinabi ng Philippine Airlines na ang pansamantalang pagsasara ng runway ay nagresulta sa pagkansela ng 21 flight. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here