Home NATIONWIDE Mga sangkot sa flood control scam, gumagamit ng crypto sa money laundering

Mga sangkot sa flood control scam, gumagamit ng crypto sa money laundering

322
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Renato Paraiso, chairperson ng technical working group ng Independent Commission for Infrastructure at acting executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, may ilang indibidwal na sangkot sa flood control scandal na gumagamit ng cryptocurrencies para makapag sagawa ng money laundering.

“We’re seeing a new phenomenon that these personalities are laundering their money through crypto,” sabi ni Paraiso nitong Martes.

Sinabi niya na mahirap makuha ang ill-gotten wealth mula sa cryptocurrencies tulad ng Bitcoin at USDT dahil wala pang sapat na regulasyon ang Pilipinas sa crypto market.

“The basis na naka-recover tayo ng USDTs, according to AMLC (Anti-Money Laundering Council), is just by mere cooperation kasi nakipag-cooperate sa atin ‘yung exchange ng USDT na nakita natin from one of the personalities…so na-recover natin ‘yun,” dagdag niya.

“Pero sa ibang exchanges, kung hindi sila tumugon sa pakiusap natin, wala tayong magagawa dahil wala tayong jurisdiction o regulasyon sa kanila.”

Ipinaliwanag ni Paraiso na ang cryptocurrency ay isang digital na pera at walang pisikal na katumbas.

Ang mga transaksyon sa crypto ay hindi dumadaan sa mga bangko, kaya hindi kailangan ng ID o birth certificate bago makapag-trade.

Nangako si Paraiso na gagawin nila ang lahat para mabawi ang mga assets: “Babawiin natin kung saan natin sila mahahanap at kung paano man natin makakaya.”

Nagbabala rin siya na ang ilang pera na nakuha sa flood control scam ay maaaring ilagay sa labas ng bansa, sa mga financial havens sa buong mundo.

“Kaya kasama sa pinag-uusapan natin ay ang pagkakaroon ng legal treaties sa ibang bansa para kahit nasa labas ng bansa, mabawi natin ang pera,” sabi niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here