Home NATIONWIDE Mga sasakyan ng PNP naka-standby sa mga pasahero sa 3-day Jeepney Strike

Mga sasakyan ng PNP naka-standby sa mga pasahero sa 3-day Jeepney Strike

307
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni acting PNP chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na naka-standby ang mga sasakyan ng Philippine National Police (PNP) para tumulong sa mga pasaherong maaaring ma-stranded sa tatlong araw na jeepney strike na magsisimula ngayong Martes.

Ayon kay Nartatez, susuriin din ng PNP ang mga lugar na maaaring mangailangan ng tulong.

Bukod dito, magpapalabas sila ng “sapat” na bilang ng mga personnel, bagaman hindi niya tinukoy kung gaano karami.

Sabi niya, “Ang ating mga personnel ay nasa ground hindi lang para siguraduhin ang kaayusan ng protesta, kundi para tingnan din ang mga lugar na kailangan ng mobility support para sa mga kababayan nating maaaring ma-stranded.”

Dagdag pa niya, layunin ng PNP na maging payapa at maayos ang kilos-protesta, tulad ng mga nagdaang aktibidad.

Ayon kay Manibela president Mar Valbuena, ang transport group ay magsasagawa ng three-day strike mula Martes (Dec. 9) hanggang Huwebes (Dec. 11).

Gayunpaman, sinabi ni Valbuena na nagsimula na ang ilang protesta sa Metro Manila noong Dec. 5.

Hindi rin niya isinarado ang posibilidad na pahabain ang strike “depende sa developments.”

Samantala, tiniyak ni Nartatez na mananatili ang security at assistance measures ng PNP “hangga’t kinakailangan.”

Ayon kay Valbuena, marami nang apprehensions at extortion ang nararanasan ng mga driver, at lumalala umano ang “lagayan” sa ilang enforcers.

Sinabi rin niya na patuloy na pinipressure ng mga awtoridad ang jeepney drivers at operators na hindi sumama sa consolidation na kumuha ng provisional authority sa ilalim ng jeepney modernization program. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here